Jericho Rosales, nagpapangarap mag-singer, lumipat ng management company!---parang sinabi nya na "uy lilipat na ako!" lol
Singing career ang rason ng pagpalit ng manager ni Jericho Rosales pagkatapos niyang tanggihan ang pagri-renew ng kontrata sa ABS-CBN Star Magic.
Nilinaw ni Echo na walang kinalaman ang kasintahan niyang si Heart Evangelista sa desisyon niyang kunin ang Genesis Management para patakbuhin ang kanyang singing career.
Ang Genesis ang kasalukuyang manager ni Heart, na hindi rin nag-renew ng managerial contract sa Star Magic.
Sa pagku-concentrate ni Jericho sa singing career via his own band Jeans, nagpahayag siya na may posibilidad na tanggihan niya ang TV soap na pagsasamahan nila ni Heart.
Gusto muna niyang magpahinga sa paggawa ng TV shows at pelikula. Malamang na ang Pacquiao ang huling pelikula niya sa taong ito.
Sey ni Jericho, napagod siya sa trabaho. Sa teleseryeng Pangako sa ‘Yo, plinano na niya ang magpahinga muna.
Itinanggi ng aktor ang espekulasyon na aayusin na nila ni Heart ang pagpapakasal sa susunod na taon.
"Wala pa kaming plano to settle down. Masyado pang maaga," paliwanag ni Jericho.
"Kami naman ni Heart, kung nagkikita man kami minsan, one hour lang or less, just to say hi, or hello. Kasi, she’s busy rin with her career."
Napailing si Echo sa intrigang siya ang dahilan kaya namimili na ng movie projects si Heart.
"Si Heart kasi, parang siya ‘yung sweetheart ng showbiz. She just wanna maintain that image. Multi-media artist siya. She has TV comercials, may TV show, movies. Iniingatan lang niya ‘yung image niya. Hindi naman masamang mamili ng gusto mong gawin di ba?" pagtatanggol ni Echo sa girlfriend.